-- Advertisements --
Tiniyak ni VP at Education Secretary Sara Duterte na hindi bibigyan ng volunteer work ang mga guro sa kanilang 30 araw na break sa pagtatapos ng school year 2023-2024.
Ito ay upang makapagpahinga ng diretso sa loob ng 30 araw na school break ang mga guro.
Ginawa ng Bise Presidente ang pahayag kasabay ng kick off program ng Teacher’s month sa Bohol Wisdom school.
Lahat na aniya ng aktibidad na may boluntaryong partisipasyon ay isasagawa pagkatapos na ng school break.
Target din ng Department of Education na maglabas ng isang memorandum sa mga school heads at regional directors upang sagutin ng mga ito sakaling may mga reklamo mula sa mga guro na pinagrereport ang mga ito sa kabila ng 30 araw na school break.