-- Advertisements --

Hindi maiwasan ni Vice President Sara Duterte na batikusin si House Speaker Martin Romualdez.

Sinabi nito na malinaw ang pakay ng mga mambabatas sa House of Representatives na gibain ang reputasyon niya para hindi na makatakbo sa pagkapangulo sa 2028.

Ibinunyag din nito ang mga iligal na aktibidad umano ni Romualdez.

Nanindigan ang Bise Presidente na malabong manalo si Romualdez sa pagkapangulo kahit na anong gawing pagsira sa kaniya.