-- Advertisements --

Naniniwala si Vice President Sara Duterte na “on the road to hell” na umano ang bansa dahil kay President Bongbong Marcos Jr.

Binigyang diin ni VP Sara na hindi marunong maging Presidente si Marcos kaya hindi niya ito kinikilala ngayon bilang Pangulo.

Ayon kay Duterte, dismayado siya dahil halos wala naman daw nagawa si Marcos ngayon at kung babalikan aniya, noong nangangampanya pa lang ito sa pagka-presidente, wala man lang siyang narinig na plataporma nito hinggil sa kung anong gagawin nito sa bansa, sa food security, at sa inflation.

Kaya naman, sa nganyon, umalis daw siya sa administrasyon dahil hindi niya na gusto ang mga naririnig at nakikita niya doon.

Hindi man nagbigay pa ng karagdagang detalye, tila nagpasaring naman ito na hindi siya nabibili ng pera at hindi siya natatakot na e call out ang sinuman.

“Ang magagawa ko sa bayan, I will call bullsh*t as it comes. Kung bullsh*t siya sasabihin ko sainyo bullsh*t talaga ‘yan. ‘Wag kayo mag-alala saakin hindi ko kailangan ng pera. Hindi ako madadala sa pera kase ang pinakagusto ko sa buhay ko hindi siya nabibili ng pera.”

Ani Sara, ang pagkakamali lang raw niya ay naniwala siya na gagawa si Marcos ng mga bagay na para sa bayan at sa taong bayan. Umasa raw siya na mas magiging maayos at magaling si PBBM kumpara sa lahat ng dumaan na presidente.