-- Advertisements --
Biniro ni Vice President Sara Duterte si Senator Imee Marcos na magpalit na lamang ito ng apelyido.
Isinagawa ng bise presidente ang pahayag ng kapwa sila dumalo sa campaign rally ng tumatakbong alkalde ng lungsod ng Maynila na si Isko Moreno.
Sinabi nito na dapat magpalit na lamang ito ng apelyido subalit hindi naman binanggit kung ano ang ipapalit.
Magugunitang tinanggal si Senator Marcos sa senatorial slate ng kaniyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos matapos ang pagkontra ng senador sa pagpapaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.