-- Advertisements --

Hindi direktang sinagot ni Vice President Sara Duterte kung naging maganda pa rin ang pakikitungo niya kay House Speaker Martin Romualdez.

Nagtataka na lamang siya kung bakit siya inaatake kahit na kaalyado siya ng kasalukuyang administrasyon.

Inihalimbawa na lamang ang relasyon niya sa naging tugon noon ni Senator Imee Marcos na marami aniya ang hindi nakakaintindi kung bakit niya aatakihin ang kaalyado ng administrasyon.

Magugunitang nagkaroon umano ang isyu sina Vice President at House Speaker dahil sa pagharan ng kongreso sa confidential fund ng Department of Education para sa 2024 budget.