-- Advertisements --

Itinanggi ni Vice President Sara Duterte na ito ay nanawagan na magbitiw na sa puwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Paglilinaw nito na ang may panawagan nito ay ang mga supporters nila.

Giit nito na tinanong niya ang mga supporters kung ano ang panawagan nila ay Pangulong Marcos at sigaw naman ng mga ito na magbitiw sa puwesto at sinabi niya na sila ang nagsabi nito.

Naganap aniya ang pahayag ng mga supporters sa ginawang pagtitipon nila sa the Hague kung saan nasa kustodiya ng International Criminal Court ang dating pangulong Rodrigo Duterte dahil sa crime against humanity.

Magugunitang pinuna ni Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro ang bise presidente na ang makikinabang sa pagbibitiw ng pangulo ay ang pangalawang pangulo.

Pinasaringan pa ni Castro si Duterte kung saan ang isang opisyal na maraming tinatago ng walang dokumento partikular na ang pondo ay hindi maaring maging lider.