-- Advertisements --
Inihayag ni Vice President Sara Duterte na maraming dahilan ito kaya nagbitiw siya sa bilang kalihim ng Department of Education.
Sinabi nito na mahaba ang listahn ng mga rason nandiyan aniya ang personal, ganun din sa DepEd, budget at sa bayan.
Sa ngayon ay hindi pa siya handa na isa-isahin ang mga ito ay kaniyang isasawalat lamang sa mga susunod na panahon.
Giit nito na sinubukan niyang itama ang pagkakamali subalit wala ito ng nakuhang suporta.
Para hindi na maulit pa sa usapin ng ahensiya sa 2025 ay minabuti na lamang niyang magbitiw.