Nag-aalala umano si Vice President Sara Duterte para sa Pilipinas dahil may kalihim daw ng Department of Justice (DOJ) na hindi alam ang batas.
Ayon kay Duterte, may malaking pinagkaiba ang usapin hinggil sa ‘desecration a body’ sa ‘desecrating a body’.
Ayon kay Duterte, bilang abogado dapat ay alam daw ito ng kasalukuyang kalihim ng DOJ na si Secretary Jesus Crispin Remulla.
“Talking about desecration of a body is not desecration of the dead. Dapat sana siguro as a lawyer, maintindihan niya ‘yon kaagad but apparently sabi nga ng iba pag mabilis ka mayroon talagang mabagal ang pick up.” ani Duterte.
Ang pahayag ng pangalawang pangulo ay kasunod ng statement ni Remulla na maraming nilabag na moral principle ang pangalawang pangulo sa pahayag nitong huhukayin niya ang bangkay ng yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., at itatapon sa West Philippine Sea (WPS) kapag hindi siya tinigilan ng mga Marcos sa pamomolitika at panggigipit.
Sinabi rin ni Remulla na tinitingnan at pinag-aaralan na nila ang legal aspects sa mga naging pahayag ni Duterte pahinggil sa pamilyang Marcos partikular na rin sa mga banat nito kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sinabi rin ni Remulla na “very disturbing” at “unbecoming” na magmula sa pangalawa sa pinakamataas na opisyal ng bansa.