Nakauwi na ng Pilipinas si Vice President Sara Z. Duterte matapos ang halos isang buwang pananatili sa The Hague, Netherlands.
Sa impormasyon mula sa Office of the Vice President (OVP), dumating ang Pangalawang Pangulo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon, Linggo, April 06 2025, bandang 9:56 ng gabi via Emirates Airlines flight no. EK 334.
Matatandaang nanatili si VP Sara Duterte sa The Hague, Kingdom of the Netherlands, simula noong March 12 kasunod ng pagkaka-aresto sa kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyang nasa International Criminal Court (ICC) detention facility dahil sa kasong crimes against humanity.
Inaasahan na sa mga susunod na araw ay maglalabas ng mga pahayag ang Bise Presidente sa ilan pang mahahalagang usapin o isyung kinakaharap nito ngayon ayon sa OVP.