-- Advertisements --

Hinihikayat ni Vice President Sara Duterte ang sino man aniyang nais magbigay donasyon bilang suporta sa Office of the Vice President na sa halip ay ibigay nalang sa mga lubos na naapektuhan ng bagyong Enteng.

Sa isang pahayag, lubos ang pasasalamat ng bise presidente sa mga natatanggap na donasyon at suporta ng kaniyang tanggapan. Pero sa kabila aniya ng matataas na presyo ng mga pagkain at iba pang pangunahing bilihin, binigyang diin ni VP Sara Duterte na unahin ng publiko ang kanilang mga sarili at pamilya.

Kasunod nito, sinabi ng pangalawang pangulo na pinahahalagahan niya ang patuloy na suporta at tiwala ng publiko sa mga programa ng OVP. Mananatili aniyang tapat ang kaniyang tanggapan sa paglilingkod at pagtugon sa mga isyu na kinakaharap ngayon ng bansa.