-- Advertisements --

Nanawagan si Vice President Sara Duterte sa mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na maging kalmado lamang.

May kinalaman ito sa patuloy na pagtugis ng mga kapulisan kay Pastor Apollo Quiboloy na nahaharap sa mga kasong sexual abuse.

Ayon sa Bise Presidente na dapat irespeto ng mga supporters ni Quiboloy ang batas.

Aminado ito na nahaharap ngayon si Quiboloy ng hamon dahil una ay naging malapit na supporter ito ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at maging kay Vice President Sara.
Magugunitang pinaigtin ng mga kapulisan ang pagtugis kay Quiboloy mula ng lumabas ang kaniyang warrant of arrest.