-- Advertisements --
Naniniwala si Vice President Sara Duterte na hindi na matitigil ang panggigipit at umano’y pang aatake sa kaniya ngayon hanggang sa 2028 elections.
Ayon kay Duterte, noong bumisita siya kay former Senate President Manny Villar, pinaintindi nito sa kaniya na nangunguna siya sa Presidential race para sa taong 2028.
Ito raw ang ikinakatakot din ni VP Duterte na baka hindi siya tigilan ng mga pag-atake sa kaniya sa susunod na 4 pa na presidential elections.
Una rito ay makailang ulit ng binatikos ng bise presidente ang mga kongresista na nag-iimbestiga sa kaniyang confidential funds na malinaw ang pakay nila na pamumulitika lamang.