Nananawagan si Vice President Sara Duterte sa publiko na huwag magpapadala sa vote buying sa 2025 National and Local elections.
Ayon kay Duterte, ang vote buying ngayon ay nakatago na sa pangalan ng ayuda, nakatago sa pangalan ng AICS, sa pangalan ng AKAP at TUPAD.
Binigyang diin ni Duterte na huwag magpadala ang publiko sa vote buying dahil hahantong lang ang Pilipinas sa isang nakakahiyang sitwasyon habang pinapanuod ng ibang bansa.
Kasunod nito, pinayuhan din ng bise ang publiko na huwag maniwala sa pangako ng mga politiko at tingnan ang track record.
Samantala, bagamat aminado naman ang pangalawang pangulo na galing siya sa political dinasty, sinabi nitong hindi porket galing na ang isang kandidato sa pamilya ng mga politiko ay agad nang kailangan e boto.
Pag-isipan daw muna ang kapasidad ng isang tao bago ito e boto at huwag bumoto dahil sa apelyido.