Plano ngayon ni Vice President Sara Duterte na buweltahan ang Philippine National Police (PNP) na kasuhan.
Sinabi nito na ikinokonsidera nilang magsampa ng mga kaso gaya ng disbodience, kidnapping at robbery.
Ang nasabing kaso ay dahil sa insidente noong ililipat si Office of the Vice President (OVP) chief of staff Zuleika Lopez mula Veterans Memorial Medical Center (VMMC) patungong St. Luke’s Medical Center sa Quezon City noong Nobyembre 23.
Nagkaroon lamang ng matinding tensiyon ng maglabas ng kautusan ang House of Representative na ilipat sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong si Lopez.
Dahil dito ay nakadama ng hindi maganda sa katawan si Lopez kaya itinakbo ito sa VMMC subalit nais ng kampo nito na ilipat na lamang siya sa St. Lukes.