-- Advertisements --

Tinawag ni Vice President Sara Duterte ang kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang “dramatic actor”.

Ito ay matapos ang pagdalo ng dating pangulo sa House quad-committee na nag-iimbestiga sa war on drugs ng dating pangulo.

Binigyan pa nito ng rating ang ama ng 12 out 10 dahil sa pagiging “best dramatic actor”.

Paliwanag pa ng bise presidente na kaya siya nagtungo sa House of Representatives para tignan at kumbinsihin ang ama kung maaari ay umalis na dahil sa kaniyang kalusugan.

Kadalasan kasi ay hindi nakikinig ang ama nito sa mga kasama at siya mismo ang pinapatawag para yayain ang ama.

Una ng sinabi ng bise presidente na hindi na niya inaasahan pa na magkaroon ng patas na imbestigasyon ang ginagawa ngayon ng mga nasa Quad Committee.