Umapela ang kampo ni Vice President Sara Duterte sa Korte Suprema na ibasura ang mga petisyon laban sa pagtatransfer ng nasa Php1.2-million na confidential funds sa Office of the Vice President noong 2022.
Depensa ng kampo ni Duterte, nararapat lamang na ibasura ang naturang mga petisyon sapagkat wala anila itong naipapakita ng aktwal na kaso o anumang kontrobersiya, at hindi rin anila nagpaparatang na nagsasagawa ng grave abuse of discretion.
Kung maaalala, marami ang tutol sa pagbibigay ng confidential funds sa Office of the Vice President kung saan pawang hiniling ng mga petitioners laban dito na ibalik ang naturang pondo sa kaban ng bayan at ideklara itong unconstitutional.
Ngunit kaugnay nito ay iginiit naman ng kampo ng Bise presidente upang magamit ng korte ang judicial power nito ay dapat na mayroong actual case o controversy, mayroong legal standing ang petitioner, at dapat ay maagang nakapaghain ng constitutional question ukol dito, at iba pa.