Nagbanta ang House Committee on Good Government and Public Accountability na kanilang ipapa-aresto kapag hindi dumalo sa pagdinig ang chief of staff ni VP Sara na si Atty. Zuleika Lopez.
Umaasa na naman ang mga miyembro ng house panel na magpapakita si Lopez upang mabigyang linaw ang umanoy maling paggamit ng P612.5 million confidential and intelligence funds ng OVP at Department of Education (DepEd) nuong si VP Duterte ang kalihim.
Ayon kay Committee vice chairman Rep. Jay Khonghun ng Zambales na may natanggap silang impormasyon na nakabalik na si Lopez ng bansa mula sa United States at nakatanggap na ito ng subpoena.
Pinaalalahanan naman ni Deputy Majority Leader Paolo Ortega ng La Union si Lopez na gawin ang pangako nitong dumalo sa pagdinig.
Sinabi ni Ortega na maraming masasagot na importanteng katanungan si Lopez.
Nuong nagdaang pagdinig apat na OVP officers ang pinatawan ng contempt at ipinag utos ang kanilang pag aresto.
Ang mga OVP officials na pina contempt ay sina: Gina Acosta, OVP special disbursing officer; Lemuel Ortonio, OVP assistant chief of staff and Bids and Awards Committee chairman; Sunshine Fajarda, dating DepEd assistant secretary; at ang asawa nito na i Edward Fajarda, dating DepEd special disbursing officer.