-- Advertisements --

VP Duterte’s exit,good impact sa DepEd at ikabubuti sa kanyang politika

CAGAYAN DE ORO CITY – Nagdulot umano ng ‘good impact’ para sa sektor ng edukasyon ang kusang paglisan bilang kalihim ni Vice President Sara Duterte.

Reaksyon ito ng law school professor na si human rights lawyer Antonio La Viña sa pag-iwan na ni VP Duterte sa gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr upang mas mapatupad pa ng administrasyon ang napapaloob ng Bagong Pilipinas campaign.

Sinabi sa Bombo Radyo ni La Viña na dati pa naman na umano malayo ang puso ni Inday Sara sa mga guro dahil mas ginusto nito maging kalihim sana ng pambansang-depensa subalit hindi ibinigay ni Marcos.

Subalit mas nakakabuti na rin para sa politika ni Sara ang pag-alis nito sa kampo ni Marcos para klaro ang pagiging panig nila sa pagsilbing oposisyon.

Aniya,mas mainam sa isang bansa na mayroong malakas na puwersa ng oposisyon upang mabigyan ng tamang alternatibo ang mga botante sa malakihang halalan ng bansa.

Magugunitang marami ang nagsasabi na pinilay ng husto ng administrasyon si VP Sara dahil inaasahan na tatakbo na susunod na pangulo sa 2028 national elections.