-- Advertisements --

Kinumpirma ng kampo ni VP-elect Sara Duterte-Carpio na dadalo ito sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr bukas, Hunyo 30.

Ayon kay Atty. Reynold Munsayac, tagapagsalita ng Vice President elect na bagamat inaasahang dadalo si VP-elect Sara sa inagurasyon hindi pa aniya kumpirmado sa ngayon kung dadalo ito sa event pagkatapos ng inagurasyon.

Inihayag din nito na dadalo si VP Sara sa inauguration dinner sa Malacanang Palace.

Maaalala na noong June 19, inagurasyon ni VP-elect Sara personal na dumalo ang kaniyang running mate at President-elect Ferdinand Marcos Jr sa hometown nito sa Davao City.