TACLOBAN CITY – Isinagawa ngayong araw ang panunumpa o oath taking ceremony ng tatlong kilalang mga elected officials sa Region 8 sa Eastern Visayas.
Pinangunahan ni Justice Bautista Corpin ang oath-taking nina Rep. Yedda Marie Romualdez, Tingog Partylist Representative Jude Philip Acidre, Tacloban City Mayor Alfred Romualdez at House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez sa pangunguna naman ni Brgy. Chairman Rodolfo Padillo.
Isa-isang nagbigay ng mensahe ang nasabing mga elected officials matapos ang kanilang oath taking na isinagawa sa RTR Gymnasium.
Nagpasalamat ang mga ito sa naging suporta ng mamamayan sa kanila noong nakaraang eleksyon at nangakong isasakatuparan ang mga programa para sa ikauunlad hindi lamang ng rehiyon kundi ng buong bansa.
Samantala, naging panauhing pandangal naman sa nasabing aktibidad si Lakasa-CMD chairperson at Vice President-elect Sara Duterte.
Sa kanyang mensahe nagpasalamat din ito sa lahat ng mga sumuporta sa kanya lalong lalo na sa mga Taclobanon dahil hindi ito naka-attend sa grand rally ng BBM-SARA tandem noong nakaraang campaign period.