CHICAGO, Illinois, USA – Pormal nang tinanggap ni United States Vice President Kamala Harris ang presidential nomination ng Democratic Party.
Ginawa niya ito sa harap ng mga tagasuporta na dumalo sa Democratic National Convention sa Chicago.
“On behalf of everyone whose story could only be written in the greatest nation on Earth, I accept your nomination to be the President of the United States of America”
US VP KAMALA HARRIS
Magiging running mate niya na governor ng Minnesota state na si Tim Walz para sa paparating na eleksyon sa America.
- Bago ito, nagtalumpati rin at nagpakita ng suporta sina Michigan Governor Gretchen Whitmer at North Carolina Governor Roy Cooper, pati na ang high-profile Republican na si Adam Kinzinger.
Nitong ikatlong araw kasi ay nagsalita rin sina dating US President Bill Clinton, dating House Speaker Nancy Pelosi at TV host na si Oprah Winfrey.
Magugunitang napili ni US President Joe Biden si Harris na siyang hahalili sa kaniya sa halalan sa buwan ng Nobyembre matapos na tumugon ito sa panawagan ng mga kapapartido na umatras na lamang sa eleksyon.
Haharapin ni Harris si dating US President Donald Trump na panlaban naman ng Republicans.