-- Advertisements --

Panay papuri at pasasalamat kay US President Joe Biden ang naging unang talumpati ni Vice President Kamala Harris mula ng inindorso siya ni Biden na humalili sa kaniya sa pagkapangulo.

Sinabi nito na labis siyang nagpapasalamat sa naging pagsisilbi ni Biden bilang pangulo ng US.

Isinabay ni Harris ang pagtalumpati sa White House sa harap ng mga atleta ng US na lalahok sa ibat-ibang torneo gaya ng Olympics.

Magugunitang dumarami pa lalo ang bilang ng mga kasalukuyan at dating opisyal ng US ang nag-endorso kay Harris na maging pangulo ng America.

Sa mga susunod na araw ay inaasahan na siya ay iindorso ng Democratic Party para tuluyang maging opisyal na pambato ng partido sa halalan na ihaharap kay dating pangulong Donald Trump