-- Advertisements --

Pinasok na ni Vice President Kamala Harris ang mundo ng TikTok.

Nagpost agad ito ng walong segundong video na nagpapakilala ng kaniyang sarili.

Nakakuha agad ito ng 1.6 milyon na followers ilang oras mula ng ilunsad ang nasabing account.

Magugunitang isa-isa ng pinapasok ni Harris na siyang gagamitin niya para sa halalan sa buwan ng Nobyembre na makakaharap niya si dating US President Donald Trump.