-- Advertisements --

Nagsimula na campaign rally ni US Vice President Kamala Harris sa Milwaukee.

Ito ang unang pagkakataon matapos ang ilang araw na pinili siya ni President Joe Biden na humalili sa kaniya sa pagtakbo sa pagkapangulo ng US.

Sa kaniyang talumpati sa harap ng mga supporters hindi maiwasan ni Harris na batikusin ang kaniyang katunggali na si ating US President Donald Trump.

Target nitong pigilan ang isinusulong ni Trump na “extreme abortioin bans”.

Ipinagmalaki din nito na sa loob ng 24 na oras mula ng piliin siya ni Biden na tumakbo sa pagkapangulo ay nakalikom agad ito ng aabot sa $81 milyon bilang pondo sa pangangampanya.