Welcome sa mga senador ang desisyon ni Vice President Leni Robredo na tanggapin ang pagiging co-chairperson ng ng inter-agency anti-drugs body.
Paniwala ni Sen. Risa Hontiveros, kung maibibigay lang ang sapat na suporta ng gobyerno ay magtatagumpay si Robredo.
“I firmly believe that if Vice President Robredo is provided all the necessary powers and resources and given the full liberty to implement a public health approach coupled with a rights-based law enforcement strategy, she can do a much better job in responding to the drug problem,” pahayag ni Hontiveros.
Ayon naman kay Sen. Sonny Angara, bagama’t nasorpresa siya sa biglaang pasya, hangad raw niya ang tagumpay ng pangalawang pangulo sa pagsugpo ng iligal na droga.
“We are surprised with her change of heart. We wish her well and hope she succeeds in helping solve the menace of drugs which destroys lives and communities. If she meets with success in her new role, it will be good for the country and the administration, which delegated the job to her,” wika ni Angara.
“Wait and see” mode naman si Senate President Tito Sotto sa mga gagawing hakbang ng bise presidente.
Habang si Sen Bong Go ay mabigat naman ang hamon kay Robredo na tiyaking masosolusyunan nito ang problema sa droga, lalo’t sinasabi raw ng vice president na palpak ang Duterte administration sa naturang kampanya.
Pero para kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, dapat hayaan na munang magtrabaho ang pangalawang pangulo sa halip na batikusin.
Naniniwala ang lider ng oposisyon sa Senado na malaki ang magiging papel ng bise presidente para sa ikatatagumpay ng paglaban sa paglaganap ng iligal na droga.