-- Advertisements --
Duterte podium
Presidnet Duterte

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi miyembro ng gabinete si Vice President Leni Robredo bilang anti-drug czar o co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Sa isang panayam, sinabi ni Pangulong Duterte na mahirap na baka ipagdaldal o isapubliko ni VP Robredo ang mga mapag-usapan sa Cabinet meeting.

Ayon kay Pangulong Duterte, kaya wala siyang inalagdaang appointment paper na nagtatalaga kay VP Robredo bilang Cabinet member.

Inihayag naman ni Pangulong Duterte na sa kanyang tingin, “doing good” naman si VP Robredo sa kanyang trabaho at basta manatili lamang ito sa tamang direksyon.

Pero sa oras daw na naglabas ito ng mga impormasyong confidential at ikakapahamak ng seguridad ng estado, agad niyang sisibakin si VP Robredo.

Iginiit ni Pangulong Duterte na hindi lahat ng impormasyon mula sa PNP at militar ay maaaring isapubliko dahil ikakapahamak ito ng bansa at bilang abugado, alam daw ito ni VP Robredo.

“She is not a member of the cabinet. I have not appointed her as a cabinet member. You know why? Early on she was talking right and left that she would talk to this and talk to that. In the Cabinet meeting, we talk about what’s happening eh kung marinig niyan diyan tapos dadaldal nya sa labas, so d ko,” ani Pangulong Duterte.