-- Advertisements --
Nasa kalagitnaan pa rin ng pagdedesisyon si Vice President Leni Robredo kung ano ang kaniyang posisyon na tatakbuhan sa 2022 elections.
Sinabi nito na hanggang sa kasalukuyan ay wala pa rin itong solidong desisyon .
Abala kasi nito ngayon sa kaniyang trabaho bilang pangalawang pangulo kaya wala itong oras sa pagtuunan ng pansin ang nasabing desisyon.
Isang option na kaniyang tinigtignan ngayon ay ang pagtakbo sa pagiging gobernador subalit magiging prioridad pa rin niya ang national election dahil ito ang kaniyang obligasyon at marami ang naghihintay ng kaniyang desisyon.