-- Advertisements --
Ipapaubaya na lamang ni Vice President Leni Robredo sa united opposition kung sino ang pipiliin nilang maging pangulo ng bansa sa 2022 elections.
Sinabi nito na kaniyang tatanggapin ang nominasyon kung siya ang pipiliin ng nasabing grupo.
Kahit sino aniya ang mga makakalaban basta siya ang napili ng anti-admin forces ay kaniyang tatanggapin ang hamon.
Inamin nito na maraming gusot pang inaayos matapos ang magkahiwalay na pakikipagpulong kay Senator Manny Pacquiao at Manila City Mayor Isko Moreno na matunog na tatakbo sa mataas na posisyon sa darating na halalan.
Tiniyak naman nito na baka sa katapusan pa ng Setyembre ay makapagdesisyon kung ano ang kaniyang pipiliing takbuhan sa halalan.