Pinasinungalingan ni Vice President Leni Robredo ang mga pahayag ni Joemel Advincula na nagpapakilalang si alyas Bikoy tungkol sa pagkakadawit ng Liberal Party (LP) sa umano’y planong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaang sinabi ni Advincula sa pagharap nito sa media sa Camp Crame ngayong Huwebes na target umano ni Robredo na mapasakamay na niya ang pagkapangulo tatlong linggo mula ngayon.
Sinabi ni Robredo na hinding-hindi raw makikibahagi sa naturang mga aktibidad ang kanilang partido at maging siya mismo.
“I will never be part of any destabilization. Ang Presidency, destiny ‘yun. Hindi siya napa-plano, hindi siya napa-plot, kasi kung para sa iyo, ibibigay ‘yun. Waste of time ‘yung pagpapalano para pabagsakin ang administration. Besides, it is a subversion of the will of the people,†wika ni Robredo.
Iginiit din ng pangalawang pangulo na hindi niya kilala at hindi sila kailanman nakapag-usap ni Advincula.
“Hindi ko siya (Bikoy) kilala, never ko siya nakausap, nakakatext. Hindi nagkaroon ng communication between us. In fact, the first time I saw him was when he showed up in the press conference in the IBP (Integrated Bar of the Philippines) office. I can speak for our party, wala kaming kinalaman sa Bikoy issue, wala kaming kinalaman sa ouster plot, kaya unfair na isabit ang LP rito,†ani Robredo, na siya ring chairperson ng LP.
Umalma din si Robredo sa sinabi ni Advincula na kanya raw itatalaga si Sen. Antonio Trillanes IV bilang kanyang bise presidente sakaling umupo na ito bilang Pangulo ng bansa.
“Sigurado ako, hindi siya (Bikoy) credible kasi sinabi nga niya nag-meet kami sa Ateneo. Never ko pa siya na meet sa aking buhay. Sabi niya Otso Diretso meetings sa Ateneo na nag drop by raw ako. Walang Otso Diretso meeting na ginawa sa Ateneo. Kasama namin ang Magdalo sa coalition dahil kay Congressman Gary Alejano, at wala kaming pinag-usapan tungkol kay Bikoy o ouster plot. Puro tungkol sa kampanya,” anang bise presidente.
“Pinakahuling punta ko sa Ateneo nung December, nag-attend ako ng Christmas party ng dati kong opisina na nasa loob ng Ateneo ‘yung lugar. Walang any political meeting na nangyari sa Ateneo. Kaya pag sinabing niyang nagkita kami, talagang sinungaling siya, kasi never ‘yun nangyari,†dagdag nito.