NAGA CITY- Muling nakatanggap ng imbitasyon si Vice President Leni Robredo mula sa Office of the President upang personal na dumalo sa huling State of the Nation Address ng Pangulo sa Lunes.
Mababatid na unang umugong ang mga balita na via zoom lamang pwedeng dumalo si Robredo.
Sa naging pagharap ni Robredo sa mga kawani ng media, nilinaw nito na personal itong inanyayahan ng Office of the President para dumalo sa nasabing aktibidad.
Ngunit, nang mabasa umano nila ang nasabing sulat, nakasaad dito na kailangang fully vaccinated na ang mga dadalo sa nasabing kaganapan.
Kaagad naman na nagpadala ng sulat ang opisina ni Robredo upang ipaalam na hindi pa ito fully vaccinated, dahil sa August 11 pa nito matatanggap ang second dose ng kanyang bakuna.
Kung kaya, ito rin ang dahilan para hindi na ito makadalo ng personal sa huling SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.