-- Advertisements --

Handa umanong tulungan at gabayan ni Vice President Leni Robredo ang bagong alkalde ng Pasig City na si Mayor Vico Sotto.

Binigyan niya rin ng payo ang 29-anyos na alkalde na manatili sa kanyang pinaniniwalaan at layunin para sa naturang lungsod sa kabila ng mga pagsubok na maaari nitong kaharapin sa oras na maupo ito sa kanyang pwesto.

“There will many hardships to go through. I hope you just stay on course,” ani Robredo sa kanyang talumpati.

Kasunod ito ng pagtatanggol ni Sotto sa Naga mula sa mga nagsasabing isa ang lungsod sa tinaguriang “hotbed” ng mga iligal na droga.

“There will many temptations, many shortcuts that will come, that he will go through. But I hope his focus will always be there,” dagdag ni Robredo.

Kamakailan lamang ay dumalo ang bise presidente sa 61st birthday celebration ng kanyang yumaong asawa na sa si former Interior Secretary Jesse Robredo na ginanap sa Naga City.