Kinumpirma ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang pag-transfer ng kanyang voter registration mula sa Naga City, Camarines Sur patungo ng Magarao, Camarines Sur.
Ayon sa spokesperson ni Robredo na si Atty. Ibarra Gutierrez, ang naging hakbang ng vice president ay bilang pagsunod na rin daw sa abiso ng kanyang legal team.
Paliwanag ni Gutierrez, nais lamang daw ni VP Leni na maging consistent dahil doon naman talaga sa nabanggit na lugar ang kanyang actual residence.
Kung maalala ilang mga lokal na opisyal na rin sa Camarines Sur ang nanawagan kay Robredo na tumakbo na lamang bilang gobernadora sa 2022 elections.
Giit naman ni Atty Gutierrez, wala pang desisyon ang pangalawang pangulo kung tatakbo pa sa gubernatorial post dahil sa ngayon pinag-iisipan din kung tatakbo ba sa mas mataas na posisyon ito bilang presidente ng bansa.