Nagpaabot na rin ng kanyang pakikiramay si Vice President Leni Robredo sa pamilya, mga kaanak at kaibigan ng pumanaw na si dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr.
Sa isang statement, tinawag ni Robredo ang namayapang dating senador bilang isang mabait at may paninindigang tao at isang gentleman.
“Our country lost one of its last statesmen today with the passing of former Senate President Nene Pimentel. He was kind, a true gentleman, and principled amid many challenges we faced as a nation,” ani Robredo.
Pumanaw si Pimentel nitong umaga lamang sa edad na 85-anyos matapos makipaglaban sa sakit na lymphoma at pneumonia.
Nakilala ang namayapang senador sa kanyang limang dekadang serbisyo publiko, mula sa pagpapalit ng Saligang Batas hanggang sa pagtutol sa dictatorial regime ng Marcos administration at sa naganap na poll fraud.
Isa sa mga mahahalagang batas na kanyang isinulong ang Local Government Code.