Nakisama si Vice President Leni Robredo sa panawagan ng mga nagsasagawa ng kilos protesta na sana ay wakasan na ang “endo” o end of contract employment scheme at “kontraktuwalisasyon sa mga manggagawa.”
Sa kanyang Labor Day message, nakiusap din ito para sa pagkakaisa upang “itaguyod ang ligtas, marangal, at regular na trabaho para sa manggagawang Pilipino.â€
Nagpaalala rin ang pangalawang pangulo sa administrasyon na sana ay tuparin ang naging pangako noon na pagtanggal sa contractualization.
“Ngayong Mayo Uno, magkaisa tayo na wakasan na ang endo at kontraktuwalisasyon,†ani Robredo sa Twitter message. “Itaguyod ang ligtas, marangal, at regular na trabaho para sa manggagawang Pilipino.â€
Si Robredo na isa ring public interest lawyer, ay nagsabing matagal na niyang isinusulong ang pagsasagawa sana ng gobyerno ng pagrebisa at reporma sa mga patakaran para mapalakas pa ang karapatan ng mga manggagawa.