-- Advertisements --

Pinasinungalingan ng kampo ni Vice President Leni Robredo na tatakbo ito bilang gobernador ng Camarines Sur sa 2022.

Kasunod ito sa naging pahayag ni dating senador Antonio Trillanes III.

Sinabi ni Atty. Barry Gutierrez ang tagapagsalita ni Robredo na walang katotohanan na pinaghahandaan na nila ang 2022 election.

Hindi pa aniya panahon ng pamumulitika na dapat ang unahin ay ang kapakanan ng mga tao ngayong panahon ng pandemya.

Magugunitang inihayag ni Trillanes na siya ang tatakbo na pangulo ng bansa pagdating ng 2022 dahil hindi interesado si Robredo at nakatuon ito sa pagiging gobernador ng Camarines Sur.