-- Advertisements --

KALIBO, Aklan— Tinatayang nasa 2,000 mga leaders mula sa iba’t ibang sector ng lipunan ang dumalo sa inilunsad na Ahon Laylayan Koalisyon sa lalawigan ng Aklan na pinangunahan ni Vice President Leni Robredo na isinagawa sa NVC Gymnasium sa bayan ng Kalibo.

Layunin umano nito na marinig ang mga hinaing ng mamamayan mula sa sector ng women urban poor, fisher folk, transport, senior citizens, youth, faith-based organizations at mga farmers upang mahanapan kaagad ng solusyon ng pamahalaan.

Sa kabilang dako, sa panayam ng Bombo Radyo Kalibo sa Pangalawang Pangulo, sinabi nito na inaasahan na umano ang pagbaba ng poverty incidence sa bansa dahil nakalatag na ang institutional reforms para sa poverty gaya ng pantawid pamilya program at mga programang para sa mga mangingisda at magsasaka.

VP LENI ROBREDO/ FB POST

Aniya, nagsimula pa ito sa administrasyon ni Dating Pangulo at ngayo’y House Speaker Representatives Gloria Macapagal-Arroyo; Dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino at mas pinalawak pa sa kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi pa umano malinaw kung anu ang naging batayan ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa kanilang pagkalkula sa poverty threshold na ang isang pamilyang may limang miyembro ay dapat mayroong P10,481 para mapunan ang kanilang basic food at non-food needs sa loob ng isang buwan.

Kulang aniya ito upang masabi na makakain ng tatlong beses sa isang araw at mabigay ang iba pang kakailanganin ng buong pamilya.