-- Advertisements --

Inamin ni Vice President Leni Robredo na hindi pa makapagdesisyon kung tatakbo siyang pangulo sa 2022 election.

Nakatuon ang kaniyang atensiyon ngayon kung paano na hindi na makakabalik sa pamumuno ang mga Marcoses.

Sa isang panayam sinabi nito na prayoridad din niya ngayon ang hindi maulit ang istilong pamumuno gaya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Patuloy din aniya nito ng isusulong ang pagkakaisa ng united opposition para sa 2022 election.

Pero aminado ito na dismayado siya at hindi pa rin napagkakaisa ang grupo ng oposiyon.

“Ang pinakamahalaga sa akin, na hindi makabalik ang mga Marcos at hindi na tumuloy iyong ganitong klaseng pamumuno. Klaro iyon sa akin… So ako, shinare ko na ito many times in the past na iyong—kaya ako natatagalan kasi ang path na pinursue ko iyong unification. Iyong unification,” ani VP Leni sa Ateneo Level Up on Radyo Katipunan. “Talagang ako, naglaan ako ng mahabang panahon para kausapin lahat, para pakiusapan lahat. Na binebenta ko sana iyong ideya na mangyayari lang iyong dalawang objective natin kapag nagkaisa tayo.”