Nakumpleto na ring nabakunahan ng ikalawaang dose ng AstraZeneca COVID-19 vaccine si Vice President Leni Robredo ngayong araw.
Sa isang Facebook post, sinabi ng bise presidente ng bansa kabilang ang ilang staff ng OVP na nabakunahan ng ikalawang dose ng AstraZeneca sa Pinyahan Elementary School sa Quezon City.
Maaalala na unang nabakunahan si VP ng unang dose ng AstraZeneca vaccine noong May 19.
Kabilang si VP sa A3 priority group o person with comorbidities dahil mayroon itong hypertension.
Pinuri naman ni VP Leni ang mabilis at maayos na sistema ng pagbabakuna gayundin ang vaccination team ng Quezon City LGU.
Base sa evaluation ng FDA, mayroong 70% na efficacy rate ang astrazeneca matapos ang unang dose at tumataas ng 90% ang efficacy rate nito makalipas ang apat at 12 linggo matapos maturukan ng ikalawang dose ng AstraZeneca.