MANILA – Nakatanggap na rin kanyang unang dose ng COVID-19 vaccine si Vice President Leni Robredo.
Batay sa kanyang online post, ang bakunang gawa ng British pharmaceutical company na AstraZeneca ang itinurok sa pangalawang pangulo.
“Done with my 1st dose of the vaccine. Now being monitored. Everything has been seamless,” ani Robredo.
Kasamang nagpabakuna ni VP Leni ang 17 iba pang staff ng Office of the Vice President.
Pare-pareho raw silang pasok sa A3 priority group o mga indibidwal na may comorbidity.
“Yung ibang mga kasama ko today yung mga nag urong sulong nung nakaraan.”
Sa vaccination site ng Pinyahan Elementary School sa Quezon City naturukan ng bakuna si Robredo at kanyang staff.
Ayon sa kanya, noong May 13 nang magpa-rehistro sila sa QC Protektado website matapos dumaan sa konsultasyon.
“Sobrang maayos proseso. Mabilis ang hintayan kasi super organized. Salamat din kay Nurse Raffy na siyang nag vaccinate sa akin. Napakagaan ng kamay. Wala akong halos naramdaman.”
Hinimok ni Robredo ang iba pang Pilipino na magpabakuna na laban sa COVID-19 para makatulong sa paglaban ng bansa sa pandemic na sakit.
“Tingnan niyo yung group pic namin. Maraming takot sa umpisa pero may konting yabang na nung nagpakuha ng litrato. š”
Kung maaalala, binakunahan na rin noong nakaraang buwan ng COVID-19 vaccine si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang itinurok sa kanya ay ang Sinopharm vaccine, na wala pang emergency use authorization sa Pilipinas.