NAGA CITY – “Proteksyunan ang institusyon.”
Ito ang iginiit ni Bise Presidente Leni Robredo sa bagong susunod na chief justice ng Supreme Court.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Robredo, sinabi nito na bilang “pillar” ng hudikatura nawa ay masiguro ng bagong uupong punong mahistrado ang pangangalaga sa karapatan ng bawat tao.
Aniya, umaasa rin ang pangalawang pangulo na magagampanan nito ang kanilang obligasyon na proteksyunan ang mamamayang Pilipino.
Maaalala na kahapon ng tuluyan ng nagretiro sa kanyang posisyon si Chief Justice Lucas Bersamin bilang punong mahistrado.
Meron namang 90 araw ang Pangulo na pumili na bagong punong mahistrado.
Kabilang sa mga nasa shortlist na inirekomenda ng JBC sa chief executive na papalit kay Bersamin ay sina SC Associate Justice Jose Reyes, Jr., Associate Justices Diosdado Peralta, Estela Perlas-Bernabe at Andres Reyes, Jr.