Nagtapatan ang political rallies ng dalawa sa 10 mga presidential aspirants sa lungsod ng Pasay at Maynila, dalawang linggo bago ang halalan.
Nagpakita ng show of force ang mga VP Leni supporters sa Pasay City kaugnay ng kanilang “Araw Na10 ‘To!” rally.
Libu-libong mga supporters ang nagsiksikan sa bahagi ng Macapagal Boulevard bilang bahagi ng street party kasabay ng kaarawan ng pangalawang pangulo.
Tampok din naman ang kanyang ka-tandem at mga tagasuporta ni vice-presidential candidate at Sen. Kiko Pangilinan.
Hindi rin naman nagpahuli ang mga supporters nina dating Sen. Bongbong Marcos at Mayor Sara Duterte-Carpio na bumaha rin ng kulay pula sa bahagi naman ng Sampaloc, Maynila kaugnay din sa Uniteam grand rally.
Ang naturang lugar ay sinasabing balwarte ni Manila Mayor Isko Moreno.
Ang Maynila ang ikalawa sa most vote-rich city sa bansa na merong mga botante na umaabot sa 1.133 million.