-- Advertisements --
Hindi raw sasailalim sa self-quarantine si US Vice President Mike Pence kahit nagpositibo sa coronavirus disease ang kaniyang press secretary.
Sinabi ng spokesperson ni Pence na si Devin O’Malley na tutuloy pa rin ang bise-presidente sa coronavirus task force briefing na gaganapin sa White House bukas.
“Additionally, Vice President Pence has tested negative every single day and plans to be at the White House tomorrow,” saad ni O’Malley.
Ginawa ang anunsyong ito kasunod ng paulit-ulit na panghihikayat ng mga state governors na muling buksan ang kanilang estado sa kabila ng patuloy na pagtaas ng bilang kaso sa bansa.