Pinagsabihan umano ni Vice President Mike Pence si outgoing US President Donald Trump na wala siyang karapatan o kapangyarihan na harangin pa ang sertipikasyon sa pagkapanalo ni President-elect Joe Biden.
Ito ay sa oras na magtagpo ang Kongreso upang bilangin ang mga boto ng electoral college.
Nauna nang nagbabala ang US President na “nakakasama” sa politika para kay Pence ang pagtanggi nito na harangan ang sertipikasyon.
Malumanay naman daw na ipinaalam ni Pence kay Trump sa ginawang pagpupulong na ang “kapangyarihan ay hindi umiiral para sa kanya na harangan ang proseso.”
Tinawag naman ni Trump ang nasabing report na “fake news” at hindi ito sinabi sa kaniya ni Pence.
Pinagpipilitan nito na napagkasunduan nila ng kaniyang bise presidente na may kapangyarihan silang kumilos.
Si Pence ang tumatayong presider ng US Senate. (with reports from Bombo Jane Buna)