Mariing kinondena ni outgoing US Vice President Mike Pence ang karahasan na nangyari sa US Capitol.
Si Pence ang tumatayong Senate president at nangunguna sa pagsertipika sa Electoral College votes upang pagtibayin ang panalo noong November elections nina Joe Biden at Sen. Kamala Harris.
Ginawa ni Pence ang pahayag matapos na mabuhawag ang hanay ng mga raliyesta sa loob at paligid ng Capitol.
Ang pagsasalita rin ni Pence ay bago mag-convene muli ang joint session ng Kongreso
Bagamat hindi pinangalanan ni Pence ang kanyang kaalyado na si US President Donald Trump, binigyang diin nito na kailanman ay hindi magtatagumpay ang karahasan.
Mananatili umano sa pananagumpay ang kalayaan.
Umani naman ng palakpakan sa mga Democrats at Republicans ang statement ni Pence.
Kasabay nito todo rin ang pasasalamat ng pangalawang pangulo sa mga otoridad na nangalaga sa kaligtasan ng mga mambabatas.
“We condemn the violence that took place here in the strongest possible terms. We grieve the loss of life in these hallowed halls, as well as the injuries suffered by those who defended our Capitol today,” ani Pence bago nag-resume ang joint session ng US Congress. “And we will always be grateful for the men and women who stayed at their post to defend this historic place. To those who wreaked havoc in our Capitol today, you did not win. Violence never wins. Freedom wins. And this is still the People’s House.”
Kung maalala una na ring binatikos ni Trump si Pence kung bakit hindi hinarang ang bilangan sa Kongreso.
Inanunsiyo rin ni Trump na pinagbabawalan na niyang makapasok sa White House ang chief of staff ni Pence na si Marc Short mula sa West Wing.
Nakita si Short na papunta sa Eisenhower Executive Office Building na nasa campus ng White House ngunit hiwalay ang gusali nito mula sa White House at nandoon ang opisina ng US Vice President. (with reports from Bombo Jane Buna)