-- Advertisements --
Naging matagumpay ang televised na pagpapaturok ng COVID-19 vaccine si US Vice President Mike Pence.
Matapos na ito ay maturukan ay sinabi niyang wala itong anumang naramdaman.
Ayon sa White House, layon ng pagpapaturok ay para sa promosyon ng kaligtasan at efficacy ng nasabing bakuna.
Kasama niyang nagpaturok ng bakuna ay ang asawa nitong si Karen at si Surgeon General Jerome Adams.
Ang 61-anyos na si Pence ang itinuturing na pinaka-senior na officials ng US na naturukan ng COVID-19 vaccine.
“We want to ensure every American: While we cut red tape, we have cut no corners when it comes to the development of this SAFE and EFFECTIVE vaccine,” ani Pence. “We are now in the process of distributing millions of vaccine doses across the country!”