-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Malaking tulong ang pagkatalaga ni Vice President Leni Robredo bilang co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) upang mapalakas ang human rights preservations sa gagawing drugs war operation ng bansa.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Cagayan de Oro 2nd District Rep. Rufus Rodriguez na pagtanggap ni Robredo sa pagiging co-chairman ng ICAD ay isang hudyat na mapatupad na ng husto ang anti-illegal drugs war ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakaatas sa mga otoridad.

Inihayag ni Rodriguez na malaking tulong ang anti-drugs war ni Duterte para proteksyunan ang sambayanan subalit nababalot naman ito ng isyu dahil sa madugo na pagpapatupad ng pulisya.

Una nang naghayag nang kasiyahan na tinanggap ni Robredo ang bagong trabaho at hinikayat ang ibang ahensiya ng gobyerno na suportahan ang pagkakaisa ng dalawang matataas na tanggapan ng pamahalaan para maibsan ang suliranin sa iligal na droga sa bansa.