-- Advertisements --

Kasunod ng biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayon sa China, nakatakda ring umalis ng bansa si Vice Pres. Leni Robredo sa unang linggo ng Setyembre.

Sa inilabas na advisory ng Office of the Vice President, nakasaad ang schedule ng pagdalo ni Robredo sa September 1, araw ng Linggo sa charity ball na inorganisa ng isa sa mga partners ng kanyang Angat Buhay program. Gaganapin ang naturang event sa Maryland, USA.

Layunin umano ng charity ball na makalikom ng pondo para sa konstruksyon ng dormitoryo ng mga mag-aaral ng Sumilao National High School sa Bukidnon.

Sa September 5 naman, maghahatid ng opening address ang bise sa ika-13 edisyon ng Toronto Global Forum sa Ontario, Canada.

“VP Leni was invited to speak in the event by the International Economic Forum of the Americas (IEFA), which aims to cultivate a culture of information-sharing and promote open discussions on major economic issues among government leaders, the private sector, international organizations, and civil society. The Vice President is expected to share her views regarding the importance of fostering broader gender inclusion for economic growth.”

Balik Amerika din ito sa September 8 para naman magbigay ng talumpati sa 2019 Installation Ceremony and Endowment Fund-raising Gala of the UP Alumni Association of
Greater Los Angeles (UPAAGLA). Gaganapin naman ito sa Los Angeles, California.

Bukod sa mga aktibidad, naka-schedule ang pakikipag-pulong ni Robredo kay Los Angeles Mayor Eric Garcetti.