-- Advertisements --
Pinag-aaralan pa rin ni Vice President Leni Robredo ang posibilidad na tumakbo ito sa pagkapangulo ng bansa sa 2022.
Sinabi nito na mahirap ang nasabing desisyon.
Kailangan na magkaroon ng isang kandidato lamang ang oppositon party para hindi aniya maulit ang naging pagkatalo nila noong 2016 elections.
Dagdag pa ng Bise Presidente na baguhan pa lamang ito sa politika at bilang chairman ng Liberal Party ay gagawin niya kung ano ang makakabuti sa kanilang partido.
Magugunitang unang nagpahayag ng interest na tumakbo sa pagkapangulo ng bansa si dating senador Antonio Trillanes IV matapos umano na unang nagpahayag si Robrero na hindi interesado na tumakbo sa pagkapangulo.