-- Advertisements --

Hindi pa ikinokonsidera ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang pagsuporta sa isang kandidato na tatakbo sa pagkapangulo.

Sinabi ni Atty. Barry Gutierrez ang tagapag-salita ni Robredo, nanatiling bukas ang bise presidente na tumakbo bilang Pangulo ng bansa sa 2022.

Sa ngayon ay hindi pa nila maaring suportahan si Senator Panfilo Lacson kapag tumakbo ito sa pagkapangulo.

Naniniwala kasi si Gutierrez na sa mga susunod na araw ay magdedesisyon na si Robredo na tumakbo sa pagkapangulo.

Nauna rito inalok ni Lacson si Robredo ng pagkakaisa kung saan iisa lamang sa kanilang ang tatakbong pangulo sa 2022 elections.