-- Advertisements --
Hindi umano kontento si Vice President Leni Robredo sa coronavirus pandemic response ng bansa.
Ayon sa pangalawang pangulo, hindi dapat maghintay ang gobyerno sa bakuna laban sa coronavirus para maresolba ang health crisis.
Dagdag pa nito, dapat masolusyunan ng gobyerno ang mga problema gaya ng kahirapan, unemployment at kagutuman.
Iginiit pa nito na maaaring maresolba ang pandemic sa pamamagitan ng medical at non-medical means.
Hindi aniya basta mareresolba ang pag-spray ng mga pesticides sa Manila na galing sa eroplano.
Tinukoy dito ni Robredo ang pahayag ng Pangulo na dapat mag-spray na lamang ng pesticide sa buong bansa para mawala na ang coronavirus.